Send us a message
Name

Email

Message
 
IGNITION is an annual exhibition that features new work by students currently enrolled in the Studio Arts or Humanities graduate programs at Concordia University. It provides an up and coming generation of artists with a unique opportunity to present ambitious, interdisciplinary works in the professional context of a gallery with a national and international profile. Students and the gallery team work together to produce an exhibition that places an emphasis on critical, innovative and experimental work engaging in the exploration and consideration of diverse media and practices. IGNITION is of interest to all students and faculty, the art community, and the general public.

IGNITION 20 : SATELLITE PROJECT
Tyra Maria Trono, Just a Small Amount for Your Expenses (detail), 2024-2025. Courtesy of the artist.
Open

May 5 – August 2025

Special IGNITION 20 satellite project on view in the FOFA Gallery’s outdoor courtyard at 1515 Ste-Catherine St. W.

Ngayong taon, ikinagagalak ng Leonard & Bina Ellen Art Gallery na itampok, buhat ng pakikipagugnayan sa FOFA Gallery, ang Just a Small Amount for Your Expenses ni Tyra Maria Trono — isang natatanging satellite project ng IGNITION 20 na matutunghayan sa panlabas na courtyard ng FOFA Gallery sa 1515 Ste-Catherine St. W., hanggang kalagitnaan ng Agosto 2025.

Tyra Maria Trono
Just a Small Amount for Your Expenses, 2024-2025
Munting Halaga Para sa Iyong Gastusin
Dijital na limbag sa vinyl
312.42 x 492.86 cm

Si Tyra Mariano Trono ay isang alagad ng sining, na ang angking gawa ay umuusisa sa pag-alaala, diaspora, at kultural na pagkakakilanlan sa pamamagitan ng materyal na bakas ng pandaigdigang migrasyon, paggawa, at pamana. Sa paggamit ng mga pang-araw-araw na bagay, mga ritwal, at palasantingang dollar-store, isinisiyasat ng kanyang paglikha ang pagpapalibot ng mga sentimental at tatapuning gamit sa iba’t ibang hangganan, ganap na humuhubog sa pagiging-bahaging-diaspora. Gamit ang sining-instalasyon ay kanyang sinusuri kung papaano pumapagitan ang mga sistemang pang-ekonomiya sa memoryang kultural, gayo’y naitatampok ang sali-salimuot na pagsasalubong ng pag-aaruga, komodipikasyon, at transnasyunal na pagpapalitan.

Ang Just a Small Amount for Your Expenses ay isang instalasyon na naglalaman ng mga litrato, souvenir, at bagay sa murang pamilihan, magmula sa Pilipinas at Montréal, upang tuklasin ang pananabik-diaspora at ang pagsasalin-kultura. Naisasalamin ang patuloy na pagtutok ni Trono sa palasantingang dollar-store, gayong binibigyang-hugis ng likha ang mga testura ng pamamalikbayan hango sa mga gawaing pangsalubong. Inaanyayahan nitong pagnilayan ng mga tagamasid kung gaano naitutugma at nailalangkap ang pag-alaala, pagka-sentimental, at kultural na pagkakakilanlan sa pamamagitan ng mga pang-araw-araw na bagay na nahulma sa gitna ng migrasyon, nostalgia, at konsumerismo.

Translation by Matthew Elijah Quizon

This year, the Leonard and Bina Ellen Art Gallery is pleased to present, in collaboration with the FOFA Gallery, Just a Small Amount for Your Expenses by Tyra Maria Trono, a special IGNITION 20 satellite project on view in the FOFA Gallery’s outdoor courtyard at 1515 Ste-Catherine St. W., until mid-August 2025

Tyra Maria Trono

Just a Small Amount for Your Expenses, 2024-2025
Digital print on vinyl
312.42 x 492.86 cm

Tyra Maria Trono is an artist whose work explores memory, diaspora, and cultural identity through the material traces of global migration, labour, and inheritance. Engaging with everyday objects, rituals, and dollar-store aesthetics, her practice investigates how sentimental and disposable items circulate across borders, shaping diasporic belonging. Through installations, she examines how cultural memory is mediated by economic systems, highlighting the complex intersections between care, commodification, and transnational exchange.

Just a Small Amount for Your Expenses is an installation that blends photographs, souvenirs, and discount-store objects sourced from the Philippines and Montreal to explore diasporic longing and cultural transmission. Reflecting her ongoing engagement with dollar-store aesthetics, the work evokes the textures of homecoming through pasalubong-inspired gestures. It invites viewers to consider how memory, sentimentality, and cultural identity are negotiated through everyday objects shaped by migration, nostalgia, and consumerism.